SIBAK | Halos 400 pulis, sinibak sa serbisyo

Manila, Philippines – Tinanggal sa serbisyo ang halos apat na raang miyembro ng Philippine National Police (PNP) dahil sa iba’t ibang kinasasangkutang katiwalian.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. John Bulalacao, inaprubahan mismo ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagsibak sa mga pulis.

151 sa mga ito ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga, at 18 ay sangkot sa drug-related activities.


91 ay tinanggal sa serbisyo dahil Absence Without Official Leave (AWOL); 10 ay dahil sangkot Kidnapping, 22 ay sangkot sa pagpatay, 3 ay sangkot sa kaso ng panggagahasa, 6 ay sangkot sa kasong Homicide; 2 ay sangkot sa kasong Parricide; at tao ay sangkot kasong Illegal Arrest o illegal Detention.

23 naman ay tinanggal sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa robbery/extortion, isa ay sa graft o malversation habang ang 70 pa ay napatunayang gumawa ng Grave Misconduct partikular ang Immorality, Dishonesty at Estafa.

Bukod sa mga sinibak sa serbisyo, 1,216 na mga pulis rin ang nahaharap ngayon sa Demotion, Suspension, Reprimand, Restriction, at hindi pagtanggap ng sweldo dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.

Ang hakbang na ito ng PNP ay bahagi ng PNP Comprehensive Internal Disciplinary Mechanism.

Facebook Comments