SIBAK | Hepe ng pulisya sa Hagonoy, Bulacan, tinanggal sa pwesto matapos magpamasahe sa isang inmate

Bulacan – Sinibak sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Hagonoy, Bulacan matapos palabasin sa selda ang isang babaeng inmate at gawin itong personal niyang masahista.

Sa ulat, mismong magulang ng babaeng inmate na si alyas “Jonah” ang siyang nagreklamo hinggil sa ginawa ni Hagonoy Police Chief Superintendent Lorenzo Kim Cobre.

Hindi naman itinanggi ni Cobre ang pagpapamasahe sa dalaga kung saan bukod sa kaniya inalis din sa puwesto ang jail officer na naka-duty nang mangyari ang insidente.


Itinalaga na bilang bagong hepe ng Hagonoy si Superintendent Satur Ediong, na dating hepe ng Provincial Investigation and Detective Management branch ng Bulacan.

Facebook Comments