SIBAK | Isang undersecretary, kumpirmadong sisibakin ni Pangulong Duterte bukas

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Presidential spokesperson Harry Roque na isang undersecretary ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.

Ayon kay Roque – nakatakdang isapubliko ang pangalan ng nasabing undersecretary sa Malacañang Press Briefing bukas, araw ng Huwebes.

Ang kumpirmasyon ni Roque ay kasunod ng pahayag kahapon ni Pangulong Duterte na mayroon na naman siyang sisibakin na opisyal ng gobyerno matapos mabahiran ng kalokohan.


Una nang nagbanta ang Pangulo sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na hindi siya mag-aatubiling sibakin sa pwesto ang mga ito na masasangkot sa korapsyon kahit pa ito ay kanyang kaibigan.

Facebook Comments