SIBAK | Mga gagawing pagsibak ni Pangulong Duterte, dumaan sa due process

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañan na dumaan sa due process at imbestigasyon ang gagawing pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang government officials.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may marching order mula sa Pangulo ang pagsa-publiko sa mga sisibaking opisyal na dapat sana ay sa unang-araw ng 2018 pero ipinagpaliban nila ito hangang ngayong araw.

Aniya, ang hakbang na ito ng Pangulo ay pagpapakita na seryoso ang administarsyon laban sa kurapsiyon at walang sinasanto.


Sinabi pa ni Roque na magkakaroon ng dalawang batch sa announcement ng mga sisibakin na kinabibilangan ng isang presidential appointee at mga police officials.

Facebook Comments