Makati City – Dismayado si National Capital Region Police Office Chief Superintendent Guillermo Eleazar sa apat na pulis na nagpahubad sa naaresto nilang dalawang suspek ng ilegal na droga habang nasa sa isang presinto sa Makati City.
Ayon kay Eleazar, sinibak niya sa pwesto sina Senior Inspector Valmark Funelas, PO1 Stephanie Limhap, PO1 Heizelle Maramag at PO1 Francis Intia para maging patas ang ginagawang imbestigasyon.
Siniguro din ni Eleazar na mapapatawan ng parusa ang mga pulis kapag napatunayan nagkaroon sila ng pagkakamali kung saan aalamin din niya ang nakuhang impormasyon na binayaran ang babaeng suspek para pumayag sa nasabing inspection.
Matatandaan na nakuhanan ng video ang ginawang pagpapahubad at pagpapatuwad ng mga pulis sa isang babae at lalaking suspek sa Makati City Police Station noong Marso na kanila pa itong pinagtatawanan.