SIBAK | Opisyal na sisibakin ng Pangulo, wala sa PCSO

Manila, Philippines – Hindi manggagaling sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang opisyal na nakatakdang tanggalin sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press briefing ng Malacanang kahapon, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na alam ng Pangulo ang kontrobersyal na magarbong Christmas party ng PCSO na ginastusan umano ng P6 milyon pero pareho raw na pinagkakatiwalaan nito sina PCSO General Manager Alexander Balutan at Director Sandra Cam.

Una rito, nakatakda sana kapahapon ang pag-anunsiyo sa sisibaking opisyal pero umatras ang Palasyo dahil hindi pa naabisuhan ang nasabing opisyal.


Matatandaang, sinibak ng Pangulo dahil sa junket sina dating Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago, PCUP Chairman Terry Ridon at DAP President Elba Cruz.

Facebook Comments