SIBAK | P-Duterte, may bagong opisyal na sisibakin

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang top-level government official ang nakatakdang sibakin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque – dapat ay gagawin ito ng Pangulong Duterte sa unang araw ng 2018, pero pinayuhan siya na gawin na lang sa Miyerkules, Enero 3, 2018, para hindi masira ang pagsalubong sa Bagong Taon nito.

Tumanggi naman si Roque na tukuyin kung sino ang nasabing opisyal at kung ano ang ginawa nito.


Iginiit din ni Roque na matagal nang binabalaan ni Pangulong Duterte ang mga opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa katiwalian na binabantayan sila ng Punong Ehekutibo.

Facebook Comments