SIBAK | Pagsibak sa mga high-ranking officers ng PNP na sangkot sa kontrobersyal na pagbili ng helicopters noong 2009, pinagtibay ng SC

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang dismissal ng Office of the Ombudsman sa high-ranking officers ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa kontrobersyal na pagbili ng helicopters noong 2009.

Kabilang sa mga nasibak sa serbisyo ng Ombudsman sina Police Directors Leocadio Santiago Jr. at George Piano; Police Senior Superintendents Job Nolan Antonio, Edgar Paatan, Mansue Lukban at Claudio Gaspar Jr.; Police Chief Superintendents Herold Ubalde at Luis Saligumba; Police Superintendents Ermilando Villafuerte at Roman Loreto; Police Chief Inspector Maria Josefina Recometa; SPO3 Ma. Linda Padojinog, PO3 Avensuel Dy at Non-uniformed Personnel Ruben Gongona.

Noong 2012, napatunayan ng Office of the Ombudsman na guilty sa Serious Dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service ang naturang police officials.


Bukod sa dismissal sa serbisyo, hindi na rin maaaring humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno ang naturang mga opisyal at forfeited na rin ang kanilang retirement benefits.
May kinalaman ang naturang kaso sa pagbili ng PNP sa tatlong choppers na nagkakahalaga ng halos 105-million pesos kung saan dalawa sa helicopters ay unang naging pag-aari ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Facebook Comments