SIBAK | PNP Provincial Director ng Sultan Kudarat at Masbate, sinibak

869

Sinibak na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang PNP Provincial Director ng Sultan Kudarat na si Senior Superintendent Noel Kinazo.

Maging ang chief of police ng Isulan Sultan Kudarat na si Police Chief Inspector Celestino Daniel.

Ito ay dahil sa magkasunod na insidente ng pagsabog noong Agosto at kagabi.

Tinanggal na rin ang provincial director ng Masbate na si Senior Superintendent Froilan Navaroza kasunod ng pagsabog sa Masbate Port kagabi at isa pang pagsabog noong Agosto.

Facebook Comments