Las Piñas – Sinibak na sa serbisyo ang pulis na naaktuhang nagpa-pot session kasama ang isang babae sa barangay talon 4, Las Piñas City noong ika-30 ng Marso.
Ayon kay PNP Internal Affairs Service (IAS) Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, inutos ni PNP Chief Director General Ronald Bato Del Rosa na bilisan ang pagiimbestiga sa kaso ni Supt. Lito Cabamongan para matanggal sa serbisyo ang sinumang pulis scalawags.
Sa Official Order ng Directorate for Personnel Records Management o DPRM na pirmado ni Dela Rosa, si Cabamongan ay natanggal sa serbisyo noong September 1, 2017 matapos mapatunayang guilty sa Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Nagpositibo rin siya sa droga matapos na isailalim noon sa drug test.
Matatandaang buwan ng hunyo ng irekomenda ng PNP-IAS kay Dela Rosa ang pagsibak sa serbisyo kay Cabamongan matapos ang kanilang isinagawang imbestigasyon sa kaso.