SIBAK | Sinibak na MARINA Administrator, walang sama ng loob sa Pangulo

Manila, Philippines – Inihayag ni Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Marcial Quirico Amaro III na wala siyang sama ng loob sa pagkakasibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Amaro, huwag sanang ituon sa dami ng mga foreign trip ang pagsibak sa kanya kundi ang tunay na pakay niya sa pagdalo ng mga meeting na makakatulong sa Pilipinas.

Giit pa ni Amaro, siguro naman ay pinag-aralang mabuti ng Pangulo ang kanyang naging desisyon sa pagsibak sa kanya.


Matatandaang kahapon, inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kanyang ginawang press conference sa Davao City na si Amaro ang opisyal na sinibak ni Pangulo dahil sa iregularidad sa gobyerno.

Facebook Comments