Manila, Philippines – Sinibak na sa trabaho ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos mangotong sa isang dayuhan.
Sa ulat, pinara ng traffic enforcer na si Ferdinand Borja ang isang dayuhan at ang kasamang Pilipina dahil sa paglabag nila sa number coding scheme.
Nagbigay ng P2,000 ang dayuhan kay Borja pero humingi ito ng resibo kung saan wala naman naibigay ang traffic enforcer at saka sinabing bayad ito sa areglo.
Agad na nagreklamo ang dayuhan kaya at nang makumpirma ang ginawa ni Borja ay agad itong sinibak sa trabaho saka kinumpiska ang uniporme at paniket na Ordinance Violation Receipt (OVR).
Dahil sa insidente, bawal munang magtiket ang mga enforcer ng Maynila at kung may mahuli sila, kailangan nilang tumawag ng pulis o kaya ay enforcer mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).