Sibakan sa gobyerno, malapit ng mangyari kapag tuluyang naisabatas ang rightsizing program

Manila, Philippines – Posibleng masibak sa mga pwesto ang daan-daang kawani ng gobyerno kapag tuluyang naisabatas ang rightsizing program na naipasa na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa House Bill 5797 na ini-akda ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, pinalalatag ang pamahalaan ng rightsizing program na sasakop sa lahat ng ahensiya ng ehekutibo.

Kasama sa rightsizing program ang mga Departments, Commission, Boards, Councils at mga Government Owned and Controlled Corporations na hindi sakop ng GOCC Governance Act.


Samantala, optional naman sa lehislatura at hudikatura ang magpatupad ng rightisizing program pati sa mga Constitutional Commission, Office of the Ombudsman at mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Nograles, napapanahon na ang rightsizing sa gobyerno para maging tama lamang ang laki ng burukrasya at epektibo ang serbisyo.

Facebook Comments