Manila, Philippines – Sinibak ni US President Donald Trump si Secretary of State Rex Tillerson. Itinalaga na ngayon si Central Intelligence Agency (CIA) Director Mike Pompeo sa posisyon ni Tillerson. Inanunsyo ito ni Trump sa pamamagitan ng kanyang twitter account kung saan pinasalamatan niya si Tillerson sa kaniyang trabaho. Iginiit ni Trump na sariling desisyon niya ang pagtanggal kay Tillerson. Pinili naman ni Trump si Gina Haspel na uupo sa iniwanang posisyon ni Pompeo na magiging kauna-unahang babaeng mamumuno sa CIA. Tinanggal na rin sa pwesto ni US President Donald Trump ang personal aide nitong si John Mcentee. Kasunod ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Homeland Security dahil sa serious financial crimes. Si Mcentee ang siyang pinakahuling malapit kay Trump dahil sa hirap itong makakuha ng security clearance. Sa kabila nito, magiging senior adviser pa rin si Mcentee sa campaign ni Trump sa 2020 elections.
SIBAKAN | US Secretary of State Rex Tillerson, tinanggal sa pwesto ni US President Trump
Facebook Comments