Sibuyas na singlaki ng mansanas na ibinebenta ngayon sa ilang palengke sa NCR, smuggled – BPI

Nagbabala ang Bureau of Plant Industry (BPI) laban sa mga ibinebentang malalaking sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Ayon kay BPI Director Gerald Glenn Panganiban, tiyak na smuggled ang mga sibuyas na singlaki ng mansanas na namataan sa isang talipapa sa lungsod ng Pasay.

Galing umano ito sa Divisoria sa Maynila na mula naman sa China.


Sabi ni Panganiban, batay sa pakikipag-ugnayan nila sa mga port managers ay wala pang dumarating na mga imported na sibuyas na sakop ng inilabas na import clearance mula January 9 hanggang 13, 2023.

Samantala, kagabi ay nagkasa agad ng operasyon ang Department of Agriculture (DA) laban sa talamak na bentahan ng smuggled na sibuyas sa Divisoria kung saan 20 sako ng nasabing gulay ang kanilang nasabat.

Tinutunton na rin ng ahensya ang warehouse kung saan itinatago ang mga puslit na sibuyas.

Facebook Comments