Sick leave para sa mga public school teachers, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Act Teachers Representative France Castro na bigyan ng sick leave ang lahat ng mga public school teachers sa bansa.

Sa house bill 5349 na inihain ni Castro, magkakaroon ng 30 araw na sick leave ang bawat pampublikong guro kada taon.

Sa ilalim ng leave benefits ng mga guro, tanging service credits at proportional vacation pay lamang ang ibinibigay sa kanila.


Pero ang mga benepisyo na ito ay pawang kabayaran sa mga trabaho na ginagawa ng mga guro na lagpas sa kanilang tungkulin gaya ng brigada eskwela, eleksyon at census service.

Wala ang mga akmang benepisyo tulad ng sick leave na maaari sanang gamitin ng mga guro kung magkasakit.

Nararapat lamang aniya na maibigay ito lalo pa at napakadami ng workload at mahirap ang kanilang trabaho.

Facebook Comments