‘Sick mind’ comment ni Joma Sison kay Pangulong Duterte, no comment ang Malacanang

Manila, Philippines – Ayaw nang patulan ng Palasyo ng Malacanang ang naging pahayag ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Joma Sison na dapat magpatingin sa psychiatrist si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi kasi ni Sison na mayroong sick mind si Pangulong Duterte, na sagot naman sa pahayag ng Pangulo na mayroong Colon Cancer si Sison na mariin naman din nitong itinanggi.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, expanded statements lang naman ito at hindi na nila papatulan ang naging pahayag ni Sison.


Matatandaan na hindi narin papatulan ng Pamahalaan ang hamon ni Sison na maglabas si Pangulong Duterte ng Medical Records dahil nakikita naman ng Publiko na nasa magandang kalusugan si Pangulong Duterte.

Facebook Comments