Side effects ng COVID-19 vaccines, mas mababa kumpara sa magandang dulot nito sa tao

Epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19.

Ito ang pinanindigan ng grupo ng mga doktor na Philippine College of Physicians (PCP) bilang sagot sa pahayag ni Dr. Romeo Quijano na mas nakamamatay ang bakuna kumpara sa Covid.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PCP President Dr. Maricar Limpin na maraming ebidensiya na ang nagpapatunay sa kaligtasan ng bakuna.


Paliwanag ni Limpin, hindi naman itinatago sa publiko na mayroong side effects ang bakuna pero mas matimbang dito ang proteksiyon na naibibigay laban sa virus.

Ayon pa kay Dra. limpin, hindi lahat ng nababakunahan ay nakakaranas ng side effects.

Facebook Comments