SIGA | Lalaki, arestado sa panunutok ng baril sa Malate, Maynila

Malate, Maynila – Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng pagsisiga-sigaan at panunutok ng baril sa isang residente sa Alfonso Street, Malate, Maynila.

Todo-tanggi pa sa sumbong ang suspek na si Nicolo Dominic Lagunsad, 26-anyos.

Pero nang halughugin ang kanyang sasakyan, doon nakuha ng mga otoridad ang isang kalibre 45 baril na kargado ng pitong bala.


Depensa pa ni Lagunsad – hiram lang niya sa kanyang lolo ang sasakyan kaya posible aniyang lolo niya ang may-ari ng baril.

Napag-alaman din na hindi lisensyado ang baril.

Facebook Comments