Manila, Philippines – Lalo pang lumalala ang bangayan nina Davao City Mayor Sara Duterte si House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito ay matapos tawagin ni Alvarez na miyembro ng oposisyon si Inday Sara.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Duterte na kung “a**hole” si Alvarez sa kamara, hindi niya ito dapat dalhin sa Davao.
Tinawag din ni Inday Sara si Alvarez na “makapal ang mukha”.
Sa hiwalay na post, tinukoy ng batang Duterte ang minsang naging pahayag ni Alvarez.
Ito ay noong sinabi umano ng speaker ng kamara na sa bisa ng kanyang posisyon sa kongreso, kaya nitong i-impeach si Pangulong Duterte.
Matatandaan na sa isang interview sa Kamara, sinabi ni Alvarez na ang hakbang ng batang Duterte na magtatag ng local party bukod pa sa ruling party na PDP-laban ay maituturing na “non-issue”.