Sigalot ng Pilipinas at Vietnam sa pinag-aagawang Spratly Island, inaasahang mareresolba sa state visit ni Pangulong Marcos

Inaasahang lalagda ang Pilipinas at Vietnam sa halos 40 kasunduan sa iba’t ibang larangan, kabilang na ang agrikultura, maritime cooperation, turismo at defense and security.

Sa 40 kasunduan, pangunahing tututukan dito ang rice trade deal lalo na’t 90% ng imported na bigas sa Pilipinas ay nanggagaling sa Vietnam.

Pangalawa, binabantayan din kung mabubuo na ba ang isang Code of Conduct sa South China Sea sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.


Nabatid na ang dalawang bansang ito ay may overlapping claims sa nasabing karagatan.

Matatandaang ilang beses nang sinabi ni Pangulong Marcos na nababagalan siya sa usad ng COC negotiations sa pagitan ng China at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Mahalaga ang COC dahil dito ay mapayapang reresolbahin ng dalawang bansa ang mga sigalot sa South China Sea.

Sa kaso ng Pilipinas at Vietnam, ang Spratly Island na mayaman sa gas at marine life ang parehong inaangkin ng dalawang bansa.

Facebook Comments