Manila, Philippines – Ayaw nang makisawsaw ng Palasyo ng Malacañang sa away ng ilang opisyal sa Bureau of Internal Revenue o BIR kaugnay sa usapin ng paniningil ng utang na buwis ng Del Monte Philippines na aabot sa halos 30 bilyong piso.
May hidwaan kasi sa kampo ni BIR Commissioner Caesar Dulay at Deputy Commissioner Jesus Aranas dahil sa nasabing isyu kung saan iniimbestigahan ni Aranas ang kaso ng Del Monde pero hinaharang naman umano ito ni Dulay.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, BIR lamang ang makahahanap ng solusyon sa kanilang problema.
Naniniwala naman si Abella na hindi ito maituturing na away sa loob ng BIR kundi isa lamang operational matters na dapat resolbahin sa lalong madaling panahon.
Nabatid na lumabas sa mga balita imbes na halos 30 bilyong piso ang babayaran na buwis ng DOLE ay nauwi nalamang ito sa mahigit 60 milyong piso.