*Muli na namang namayagpag ang isang Cotabateño hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, itoy matapos bigyang pagkilala at parangalan ang isang taga RH 3 sa Estados Unidos.*
*Itoy sa katauhan ni Dr. Ramjie Yusoph Odin na pinarangalan ng H.S. Swingle Award for Outstanding Doctoral Student sa Auburn University, USA noong December 2017.*
*Sinasabing isa ang Swingle Award sa inaasam asam di lamang ng mga international student kundi buong faculty ng nasabing unibersidad.*
*Kabilang si Dr. Ramjie sa Fulbright Graduate Student Batch ’14 , nakasentro ang ginawang research nito sa Fisheries, Aquaculture, at Aquatic Sciences.*
*Si. Dr Ramjie ay nagtapos sa Cotabato City Central Pilot School, Notre Dame Village at MSU Maguindanao.*
*Kaugnay nito, lubos namang pinasalamatan ni Dr. Ramjie si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani sa tulong nito habang nag aaral pa sa ibang bansa. Ipinagmalaki rin nito ang pagiging SPES at pagkakaroon ng summer job sa City Hall kasabay ng kanyang pagbisita sa tanggapan ng alkalde ngayong hapon.*
*Hindi naman maisalarawan ang kasayahan ni Mayor Cynthia sa karangalang inuwi ni Dr. Ramjie, nagpapatunay lamang aniya ito na nag uumapaw ang talino at talento ng mga Cotabateño na handang makipagsabayan di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo giit ni Mayor Cyn.*
*Matatandaang ilang mga Cotabateño ang nagbigay na ng karangalan sa ibat ibang larangan noong mga nagdaang mga buwan .*