LINGAYEN, PANGASINAN – Sa kabila ng umiiral na pandemya dulot ng covid19 ay unti unti nang nanunumbalik umano ang sigla ng turismo ayon sa Provincial Tourism and cultural affairs office ng Pangasinan.
Saad ni Malou Elduayan, ang tourism officer ng lalawigan Ilan sa mga lugar na pangunahing dinarayo sa lalawigan ay mga bayan ng Dasol at Alaminos City na aniya ang mga residenteng nagtutungo dito ay mula sa Rehiyon 3 at National Capital Region.
Dagdag nito na malayo pa rin sa bilang ng mga turista ang pumupunta sa numero unong tourist destination na Manaoag Shrine kung saan bago pa man nagka-pandemya ay halos milyong bilang ng mga turista na ang naitatala.
Samantala, ilan sa mga dapat sundin kung nais bumisita sa pangasinan ay ang pagpaparehistro sa tara na.ph na nangangailangan ng approval mula sa local government unit at magrehistro lamang sa s-pass upang makapasok sa lugar.###