Signal #2, nakataas na sa mahigit sampung probinsya; Bagyong Jolina, posibleng mag-landfall mamayang gabi sa Aurora Isabela

Manila, Philippines – Mas lumakas ang bagyong Jolina habang lumalapit sa lupa.

Taglay na nito ang hanging na aabot sa 80 kilometers per hours at pagbugso ng hangin na aabot 95 kilometers per hour.

Umakyat na ngayon sa labing isa ang mga probinsya na nasa ilalim ng tropical storm warning signal number 2, ito ay ang mga probinsya ng:


1. Isabela;
2. Northern Aurora;
3. Qurino;
4. Kalinga;
5. Mt. Province;
6. Ifugao;
7. Ilocos Sur;
8. Benguet ;
9. Abra;
10. La Union
11. at Nueva Ecija

Signal number 1 naman sa mga lalawigan ng:

1. Cagayan, kabilang na ang Babuyan Group of Island;
2. Apayao;
3. Ilang bahagi ng Aurora;
4. Ilocos Norte;
5. Pangasinan;
6. Northern Quezon, kabilang ang Polillo Island;
7. Catanduanes;
8. Camarines norte;
9. At Camarines Sur

Huling namataan si Jolina sa layong 210 kilometers timog-silangan ng Casiguran, Aurora at inaasahang magla-land fall mamayang gabi sa bahagi ng Aurora o Isabela.

Matapos magland-fall, tatawid si Jolina sa bahagi ng northern Luzon at magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Northern at Central Luzon.

Facebook Comments