
Iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) na sa unang pagkakataon ay hindi sila nakapagpalipad ng drone nang mangyari ang panibagong insidente sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay PCG Commodore Jay Tarriela, posibleng “signal jam” ang ginawa ng People’s Republic of China kaya hindi sila nakapag-launch ng drone nang magkaroon ng panibagong tensyon sa bahaging sakop ng karagatan ng Bajo de Masinloc.
Ani Tarriela, hindi rin daw naglabas ang China Coast Guard (CCG) nang kanilang kuha ng drone dahil ayaw nilang makita ang ginawa nilang aksyon na nagresulta sa banggaan ng dalawang barko ng China.
Samantala, Iginiit rin ni Tarriela na hindi ang PCG ang nagpo-provoke para gawin ng CCG ang mga aksyon nito sa karagatan.
Matatandaang tinangkang ipitin ng barko ng Chinese People’s Liberation Army-Navy at ng CCG vessel ang PCG vessel pero nakaiwas ito dahilan para magsalpukan ang dalawang barko ng China.









