Sinisilip na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagkakabit ng signal jammers sa mga piitan para maiwasan ang mga inmates na gamitin ang kanilang mga mobile phones.
Ayon kay Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar, nais ng BuCor na bumili ng jammers para sa anim na prison farms at colonies nito.
Pero nilinaw ni Villar na wala ng balak ang BuCor na magdagdag pa ng karagdagang jammers sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Target ng BuCor na makabitan ng jammers ang mga pasilidad nito sa Palawan, Occidental Mindoro, Davao del Norte, Zamboanga at Correctional Institution for Woman (CIW) sa Mandaluyong.
Bukod sa NBP at CIW, ang iba pang prison facilities ng BuCor ay ang Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm, San Ramon and Penal Farm, Sablayan Prison and Penal Farm at Leyte Regional Prison.
Matatandaang ibinunyag ni PNP Chief Police General Debold Sinas na may ilang convicted drug lords na nakakulong sa lang penal farms ang patuloy na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa.