Isa nang ganap na tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) ng PAGASA sa Philippine Sea.
Pinangalanan itong bagyong “Emong” na huling namataan sa layong 790 kilometers Silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 55 kph.
Patuloy itong kumikilos pa-Hilangang Kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes at northeastern portion ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.
Sa ngayon, wala pang dalang malakas na pag-ulan ang bagyo.
Inaasahang tatawid ang bagyong emong sa extreme Northern Luzon sa pagitan ng gabi ng Lunes at umaga ng Martes.
Samantala, isa pang LPA ang binabantayan ng PAGASA na kasalukuyang nasa bisinidad ng Calapan, Oriental Mindoro.
Mababa ang tiyansang maging bagyo ito pero ang pinagsamang epekto ng LPA at hanging habagat ay magdadala ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan sa bahagi ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Northern Quezon kasama ang Polillo Islands, Laguna, Cavite, Batangas, Palawan kasama ang Calamian Islands, Mindoro Provinces at Antique.