Cauayan City – Itinaas na sa signal no. 2 ang Tropical Cyclone Wind Signal sa lalawigan ng Isabela dahil pa rin kay Bagyong Kristine.
Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan ang lahat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga flood prone at landslide prone areas dahil sa nararanasang mga pag-ulan.
Inaabisuhan ang lahat na maging handa sa posibleng epekto ng bagyo, at manatiling nakaantabay sa lagay na panahon so kanilang lugar at sa mga ilalabas na abiso ng kinauukulan upang masiguro ang kanilang kaligtasan ngayong panahon ng kalamidad.
Maliban dito, mas paghihigpitin pa ng mga awtoridad ang pagpapatupad ng Liqour Ban Policy, ganunrin ang pagbabawal sa pangingisda at paglalayag sa mga baybayin sa nasasakupan ng lalawigan partikular na ang malilit na sasakyang pandagat dahil sa banta ng malalakas na pag-alon sa karagatan.
Sa kasalukuyan, passable pa rin ang lahat ng tulay sa buong lalawigan ng Isabela maliban na lamang sa Baculud Overflow Bridge sa lungsod ng Ilagan at ang nasirang Turod-Banquero Bridge sa Bayan ng Reina Mercedes.