Bahagyang lumakas ang bagyong Leon habang nasa Philippine Sea.
Batay sa 11:00 PM bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 915 kilometers Silangan ng Central Luzon.
May lakas ang hangin nitong umaabot sa 85 km per hour at pagbugsong 105 km per hour.
Kumikilos ito pa–Kanluran sa bilis na 20 km per hour.
Nakataas na ang Signal Number 1 sa Eastern portion ng mainland Cagayan, Eastern portion ng Isabela, at Northeastern portion ng Catanduanes.
Facebook Comments