Napanatili ng bagyong Leon ang lakas nito habang kumikilos sa hindi malinaw na direksyon sa Philippine Sea.
Batay sa 11:00 PM bulletin ng DOST-PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 705 kilometers Silangan ng Echague, Isabela.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot ng 100 km per hour at pagbugsong 125 km per hour.
Nakataas ang Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Isabela
- Quirino
- Nueva vizcaya
- Apayao
- Kalinga
- Abra
- Mountain Province
- Ifugao
- Northern portion ng Benguet
- Ilocos norte
- Ilocos sur
- Aurora
- Northern portion ng Quezon kasama ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- Eastern portion ng Camarines Sur
- Catanduanes
- Eastern portion ng Albay
- Northeastern portion ng Sorsogon
- Eastern portion ng Northern Samar
- Northern portion ng Eastern Samar
Facebook Comments