Manila, Philippines – Tiwala ang Malakanyang na maipapasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL sa March 2018.
Kahit na walang timeline dito, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naniniwala ang tanggapan ng Presidential Adviser on the Peace Process na mabibigyang daan ito sa Marso ng susunod na taon.
Sinigurado rin ng Malakanyang, hindi nakapaloob sa isinusulong na BBL ang pagbuo ng bagong estado.
Samantala, wala pang kasiguraduhan kung magdedeklara si Pangulong Duterte ng tigil putukan sa New People’s Army ngayong Christmas season.
Giit ni Roque, hindi na umiiral ang Joint Agreement on Safety And Immunity Guarantees o JASIG matapos na pormal na kanselahin ang peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Mas maganda din anyang hintayin na lang ang desisyon ng pangulo ukol dito.
Matatandaang tradisyunal na nagdedeklara ang Malakanyang ng Suspension on Military Operations o SOMO sa NPA tuwing pasko at bagong taon.