Manila, Philippines – Sigurado si Senator Joel Villanueva na malaki ang maitutulong ng ikatlong telecommunication company para maging matagumpay ang implementasyon ng panukalang Telecommuting Act o Work-From-Home Act.
Tiwala si Senator Villanueva na ang ikatlong telco ang tugon sa Akamai Global State of the Internet report noong May 2017 na nagsasabing ang Pilipinas ang may pinakamabagal na internet speed sa Asia Pacific.
Buo ang pag-asa ni Villanueva na ang ikatlong telco ang magpapabuti sa serbisyo ng internet o telecommunication technology sa bansa.
Kapag nangyari ito ay nakakatiyak si Villanueva na magiging positibo ang resulta kung maipapatupad na ang panukala na magbibigay-pahintulot sa mga empleyado na magtrabaho sa bahay, gamit ang internet sa halip na magsayang ng oras sa pagbyahe patungo sa kanilang mga opisina.