Maluwag pa sa mga motorista ang North Luzon Expressway simula pa kaninang umaga
Pero mamayang hapon hanggang kinabukasan ay asahan na ang dagsa ng pag uwi ng mga bakasyunista mula sa Lalawigan.
Gayunman nakahanda pa rin ang mga tauhan ng NLEX lalo na sa mga Toll Plazas para asistihan ang mga motorista.
Payo ng pamunuan ng NLEX sa mga motorista parating isaisip ang Road Safety sa kanilang biyahe.
Dapat tiyaking nasa maayos na kondisyon ang sasakyan bago bumiyahe at kailangang physically fit sa pagmaneho
Dapat ding tandaan ang blowbag checklist, kinakailangang inspeksyunin ang Battery, lights ,oil ,water, Brake air at gas bago umarangkada sa pagbiyahe.
Maaari ding tumigil ang mga motorista sa SCTEX Floridablanca rest bay at kumuha ng libreng inuming tubig .
Bukod pa dito ang auto mechanic services at first aid treatment na itinalaga sa lugar kung kinakailangan ng mga motorista sa ilalim ng ipinatutupad na Safe Trip Mo Sagot Ko Motorist Assistance Program sa panahon ng Semana Santa.