Sikat na mountain village sa Switzerland – bawal kunan ng larawan

Switzerland – Alam niyo ba, isang napakagandang mountain village sa Swiss Alps ang pinagbabawalang kunan ng litrato ng mga turista.

Ayon sa local authorities sa Bergun Village, sa sobrang ganda raw kasi ng tanawin ay posibleng magdulot ito ng depression at inggit lalo na sa taong hindi makapunta sa lugar.

Mas maraming turista kasi ang nahihikayat ngayong bisitahin ang Bergun Village matapos na kumalat ang larawan nito sa iba’t ibang social media sites.


Pero sabi ng Bergun Tourism Authority, “scientifically proven” na nagdudulot ng lungkot ang mga magagandang holiday photos sa mga taong hindi makapunta rito.

Bukod sa bawal kunan ng larawan, napagpasyahan din nilang tanggalin ang pictures nito maski sa kanilang facebook, twitter at official website.

Samantala, 5 euro o katumbas ng halos 300 piso ang halagang ipapataw sa mga lalabag sa batas.
DZXL558

Facebook Comments