Patay ang isang 58-anyos na siklista matapos mahagip ng kasalubong na SUV sa bahagi ng highway sa Brgy. Bugayong, Binalonan, Pangasinan noong gabi ng Linggo, Pebrero 15.
Ayon sa imbestigasyon, magkaibang direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan nang biglang mahagip ng SUV ang siklista habang tumatawid ito sa naturang highway.
Dahil dito, sugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at dinala sa pagamutan ngunit idineklara ring dead-on-arrival.
Parehong napinsala ang dalawang sasakyan, na kasalukuyang nasa kustodiya ng Binalonan Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments










