Sikreto para tumagal ang isang relasyon, ibinahagi nina Liza Soberano at Enrique Gil

49

Ibinahagi nina Liza Soberano at Enrique Gil ang sikreto kung paano umabot sa anim na taon ang kanilang relasyon.

Ayon kay Liza, ang pagkakaroon ng respeto sa bawat isa at kaniya-kaniyang pamilya ang dahilan ng pagtagal ng kanilang relasyon.


Habang kung may hindi man pagkakaintindihan, sinabi ni Liza na hindi pumapayag si Enrique na tumagal pa ang away.

Pinayuhan naman ng aktres ang mga magkakarelasyon na ayusin agad kung may hindi pagkakaintindihan, dahil dito nasusubok ang kanilang pag-iibigan.

Nagsimula ang proyekto nang dalawa noong 2013 kung saan ilan sa mga pelikulang kanilang pinagbidahan ay ang; Alone Together, My Ex and Whys, Must Be Love, Everyday I Love You at iba pa.

Facebook Comments