Sikretong pagpupulong ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines, nabunyag

Manila, Philippines – Nabunyag ang sikretong pagpupulong ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines mula pa noong Pebrero.

 

Ayon kay NDFP Chairman Fidel Agcaoili, kabilang sa mga pinag-uusapan at pag-uusapan sa mga susunod pang pag-uusap ang tungkol sa JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees, Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms at Comprehensive Agreement on Political and Constitutional Reform.

 

Aniya, inaprubahan na rin ng NDFP ang pagpapalaya sa mga prisoners of war o mga binihag ng NPA.

 

Noong March 2 (Huwebes) pa aniya dapat palalayain ang mga ito pero hindi naayos ang kanilang seguridad para sa gagawing turn-over sa third party peace facilitators, mga lokal na opisyal at mga kinatawan ng International Committee of the Red Cross.

 

Paliwanag pa ni Agcaoili na ang sikretong pag-uusap ay kabilang sa paghahanda sa pagpapatuloy sana ng peace talks sa Abril.

 

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma sa back channel negotiations ng pamahalaan sa NDFP matapos nitong kanselahin ang peace talks noong Enero matapos na mapatay ng mga npa ang ilang sundalo.

Facebook Comments