SIKSIKAN | Magkakaibang araw na ‘day off’ ng mga empleyado ng pamahalaan at pribadong sektor sa bawat lungsod sa Metro Manila, pinag-aaralan ng I-Act

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang posibleng implementasyon ng magkakaibang araw ng “day off” ng mga empleyado sa pamahalaan at sa pribadong sektor ng bawat lungsod sa Metro Manila.

Sinabi ni Elmer Argaño, tagapagsalita ng I-ACT, layon nito na kontrolin ang buhos ng tao sa mga kalsada na dahilan ng “congestion” o pagsisiksikan.

Oras na maaprubahan, posibleng unahin aniya itong ipatupad sa government employees.


Una nang naghain ng konsepto na “work base adjustment” ang Civil Service Commission (CSC) sa kongreso ukol sa “work at home scheme” ng mga tauhan ng pamahalaan para hindi makadagdag sa volume sa kalsada.

Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P3.5 bilyon ang nawawalang kita ng Pilipinas kada araw dahil sa matinding trapiko sa bansa.

Facebook Comments