Siksikan na bilangguan, matutugunan na ng Cainta, Rizal government

31

Naniniwala ang pamunuan ng Cainta, Rizal na malaki ang maitutulong ng pagpapalawig pa ng kanilang jail facilities .

Sa ipinapagawang extention ng kulungan, tinatayang aabot sa 100 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang kayang i-accomodate nito.


Mula sa 640 PDL, nakapagpalipat na umano sila ng 32 sa Cainta na nasa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology at 67 naman sa Rizal Provincial Jail.

Samantala, nagpasalamat naman si Pol. Col. Rodolfo Santiago II sa grupo ng Cainta Municipal Advisory Council sa tulong sa mga PDLs tulad ng pagbibigay ng libreng gamot at bitamina.

Facebook Comments