Silangang bahagi ng Indonesia, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang silangang bahagi ng Indonesia ngayong araw.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang episentro ng lindol sa layong 171 kilometers hilagang silangan ng Larantuka District, East Flores Regency.

Wala namang naitalang nasugatan sa pagyanig at wala ring ibinabalang posibleng tsunami ang mga otoridad.


Matatandaang una nang tinamaan ng magnitude 9.1 na lindol ang Sumatra, Indonesia noong 2004 na kumitil ng buhay ng aabot sa 220,000 katao, habang 4,300 naman ang nasawi sa magnitude 7.5 lindol na tumama sa Sulawesi Island noong 2018.

Facebook Comments