Silangang bahagi ng Magsaysay, Davao del Sur, niyanig ng 4.1 magnitude na lindol; Isa lang itong aftershock sa nangyaring 6.1 magnitude noong February 7 ayon sa PHIVOLCS

Niyanig ng 4.1 magnitude na lindol ang silangang bahagi ng Magsaysay, Davao del Sur.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang lindol alas-10:36 kaninang umaga.

Natunton ang episentro ng lindol sa layong 12 km Timog Silangang bahagi ng Magsaysay, Davao del Sur.


May lalim itong 12 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Magsaysay at Matanao, Davao del Sur, Intensity 2 sa Kidapawan City, Bansalan, Digos City at Davao City, Davao del Sur; Makilala, Cotabato.

Instrumental Intensity 3 naman ang naramdaman sa Kidapawan City Intensity 2 – Koronadal City at Malungon, Sarangani Intensity 1 sa General Santos City at Alabel, Sarangani.

Ayon pa sa Phivolcs, isa lang itong aftershock ng nangyaring 6.1 magnitude noong February 7.

Facebook Comments