Silangang bahagi ng Sorsogon, niyanig ng 4.4 magnitude na lindol

Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang silangang bahagi ng Sorsogon.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naramdaman ang lindol 1:39 PM kanina.

Natunton ang episentro ng lindol sa layong 50 km sa timog silangan ng Prieto Diaz, Sorsogon


May lalim itong 14 kilometers at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Instrumental Instensities:
Intensity II – Catbalogan City, Samar
Intensity I – Legazpi

Facebook Comments