SILAW TI UMILI PROJECT SA NUEVA VIZCAYA, PORMAL NANG INILUNSAD

CAUAYAN CITY – Pormal na inilunsad ng Provincial Local Government Unit ng Nueva Vizcaya ang kanilang proyektong “Silaw ti Umili” sa bayan ng Quezon.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Gov. Atty. Jose Gambito katuwang ang Nueva Vizcaya Electric Cooperative (NUVELCO).

Dito ay namahagi ang PLGU Nueva Vizcaya ng libreng solar panel sa 445 na mamamayan mula sa barangay Nalubbunan, Buliwao, Baresbes, Dagupan, Bonifacio, Punruno, at Calaocan.


Sa pahayag ni Provincial Engineer Jerry Tan, pinondohan ang proyekto ng mahigit P14.7-M.

Dagdag pa nito na may kakayahang pailawin ng isang solar panel ang limang LED bulbs ng isang tahanan at maaari ring gamitin bilang charger ng cellphone.

Layunin ng nasabing proyekto na mabigyan ng liwanag ang mga tahanan ng 3,000 Novo Vizcayanos na hindi abot ng electrification program ng NUVELCO.

Facebook Comments