Manila, Philippines – Plano ng Bureau of Customs Employees Association na magsasagawa ng silent protest pagkatapos ng ASEAN Summit.
Ayon kay BOCEA President Remedios Princesa na hindi silang sang-ayon sa mga pagbabago na ipinatutupad ni BOC Commissioner Isidro Lapeña kung saan marami umanong mga kawani ang lubhang naapektuhan.
Paliwanag ni Princesa hindi sila tumutiol na buwagin ang itinayong Command Center ni dating BOC Commissioner Nicanor Faeldon ang kanilang inalmahan ay ang pagtatayo ng panibagong Command Center ng walang pormal na order mula kay Lapeña at nagtalaga rin sila ng kanilang hepe a hindi akma sa posisyon ibinigay sa kanya.
Hindi rin sila sang ayon sa magulong pamamaraan ni Lapeña kung saan nawawala umano ang entry at inaabot pa ng mahapon bago makuha gayong dati ay isang oras lamang ay mailalabas na kaagad ang mga kargamento.
Paliwanag ni Princesa ang Broker ang lubhang naapektuhan dito kaya umalma na rin sila dahil sa bagal ng operasyon at kung minsan umano ay hindi mahanap ang kanilang entry o mga kargamento.
Nagbanta ang BOCEA President na kapag hindi pa mareresolba ang naturang gusot magsasagawa ng sila ng malawakang kilos protesta.
Kasunod ng nakuhang mga droga sa selda ng mga babae, PDEA pinamamadali na ang paglalagay ng kanilang opisina sa New Bilibid Prison.