
Paiilawan na mamayang alas-5:00 ng hapon, Disyembre 9, 2025, ang Silew-Silew sa Dagupan City.
Tampok sa taunang selebrasyon ang Christmas tree sa harap ng City Plaza at ang pailaw sa Quintos Bridge, na karaniwang dinarayo ng mga residente at turista.
Ngayong taon, nakasentro ang tema sa “Pamilya ang Puso ng Pasko,” na layuning ipaalala ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Samantala, wala pang inilalabas na abiso mula sa Public Order and Safety Office hinggil sa posibleng road closure.
Inaasahang dadagsa ang libo-libong Dagupeño sa tradisyunal na pagdiriwang ngayong gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










