Susunduin nina Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil at Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. si dismissed Bamban Mayor Alice Guo na nasakote sa Indonesia.
Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, base ito sa inisyal na travel plans sa pagpapauwi kay Guo pero patuloy pa itong isinasapinal.
Ani Fajardo, may opsyon din kasing ang ating police attaché sa Indonesia ang mag-e-escort pabalik ng bansa kay Guo.
Aniya, sa oras na makabalik na ng bansa si Guo ay agad itong itu-turn over ng kapulisan sa Senado dahil ito ang nag isyu ng warrant of arrest laban sa nasibak na alkalde.
Kasunod nito, nagpapasalamat ang PNP sa kanilang counter part sa Indonesia dahilan para matagumpay na maaresto si Guo.