SILG Abalos: Pangulong Marcos, dedma sa panawagang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

Hindi pinatulan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr., sa ambush interview sa Malacañang.

Ayon kay Abalos, hindi napag-usapan sa kanilang sectoral meeting kaninang umaga ang isyu sa One Mindanao, at sa halip ay sumentro ito sa pagpapalakas ng cybersecurity system ng Philippine National Police (PNP).


Wala rin aniyang direktiba ang pangulo sa mga ahensya kaugnay sa isyu.

Dagdag pa ni Abalos, walang kautusan ang pangulo na magpalabas ng pahayag ang bawat ahensya kaugnay sa pagtutol sa naturang panawagan.

Ang lahat aniya ng ahensya na naglabas ng statement ay kusang loob na tumutol sa One Mindanao isyu at nagmamalasakit lamang sa bansa.

Facebook Comments