
Pinangalanan ni SILG Jonvic Remulla ang ilan sa mga sangkot sa pagkamatay ng isang 19 na taong gulang na Maritime student dahil sa hazing sa Cavite.
Sa pulong balitaan na ginanap sa Manila, inisa-isa ni Remulla ang mga pangalan ng mga nasabing sangkot at binanggit nya rin ang mga pangalan ng 3 neophytes na kinabibilangan ng nasawing si Kenneth Alcedo.
Nanawagan naman si Remulla sa mga sangkot na agad nang sumuko sa mga awtoridad.
Kaugnay nito ayon kay Remulla, ang nasabing listahan ay mula sa affidavit ng isang neophyte na kasama ni Alcedo na sumailalim sa initiation rites .
Kaugnay nito, ang mga natitira pang sangkot na wala sa nabanggit ay nanatiling “John Does”, ibig sabihin hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Facebook Comments










