Wednesday, January 21, 2026

SILG Remulla, kinumpirmang nagpadala na ng “feelers” si Zaldy Co para makipagdiyalogo

Sa ambush interview na ginanap sa Kampo Krame, kinumpirma ni SILG Jonvic Remulla na nagpadala na ng “feelers” o pahiwatig si Zaldy Co para makipagdiyalogo sa pamahalaan.

Ayon kay Remulla, ang feelers na ito ay idinaan ni Co sa mga pari na kakilala nito kung saan biniberipika na rin ang nasabing ulat.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Remulla na huling namataan sa Portugal ang nasabing dating congressman.

Si Co ay pinaghahanap ng awtoridad matapos ang pagkakasangkot nito sa flood control anomaly sa Oriental Mindoro.

Facebook Comments